Gusto niyo ba makita at malaman ang lahat ng tungkol sa Lungsod ng Sta. Rosa ?.. Ditomakikita at malalman niyo ba yan!.. Simulan natin sa kasaysayan ng Lungsod ng Sta. Rosa.
Kasaysayan
Sundan naman natin ng magagandang magagawa sa Lungsod ng Sta. Rosa, katulad ng pagpunta sa mga ss:
(EK) Enchanted Kingdom
Ang Enchanted Kingdom (EK) ay kabilang na sa International Association of Amusement Parks and Attractions. Ang mga masasakyan sa Enchanted Kingdom (Ek) ay ferris wheel, Octopus, Roller Coaster, at marami pang iba. Ito ay matatagpuan sa Brgy. ng Malitlit.
Nuvali
Ang Nuvali ay isa rin lugar na pinupuntahan ng mga turista. May mga pwede ka ring gawin, katulad ng pagpapakain ng mga gutom na gutom na mga isda, pwedeng magbike para libutin ang buong Nuvali, sumakay sa minivan para malaman ang tunay na kabuuan ng Nuvali dahil habang nililibot ang buong Nuvali ay ikinukwento ng nagmamaneho ang mga dapat malaman ng taong pumupunta sa Nuvali, sumakay sa fishboat, at kumain sa mga kainan o fastfood sa Nuvali. Ito ay makikita sa Brgy. ng Don Jose.
(Lumang Simbahan) Santa Rosa De Lima Parish Church
Ang simbahan ng Santa Rosa de Lima ay itinayo noong taong 1792 sa pagdating ni Padre Francisco Favie.Ang ating bayan dati ay isang munting nayon ng bayan ng Biñan na tinatawag na nayon ng “Bukol” dahil sa katimugang bahagi ng lugar nito ay maraming burol. Ang unang bahay sambahan ay tinatawag na “Bisita” na itinayo sa katabing lote ng Lumang Gusaling Pampamahalaan, at kilala bilang “Presidencia”. Ang Gusaling ito ay nananatiling nakatayo katabi ng Lumang Gusaling Pampamahalaan na kilala ngayon bilang Museo de Santa Rosa.
Ang ating simbahan ay may walong malalaking kampana na ang tunog ay maririnig ng mga kalapit baryo. Ang bawat kampana ay may kanya-kanyang pagkakakilanlan alinsunod sa mga pangalan ng mga santo. Santa Rosa De Lima ang pinakamalaking kampana, Santa Barbara, Santissimo Sacramento, San Juan Bautista, San Jose, Santa Cecilia, Santo Domingo.
Nakaukit sa bawat kampana ang pangalan, lugar ng tirahan at pari. Mayroon ding malaking orasan na may sukat na isat kalahating metro-diametro, na tumutunog sa bawat ika-apat na bahagi ng orasan. Ito ay nasira sa labanan ng eroplanong pandigma sa pagitan ng Hapon (Japanese AirForce) at Amerikano (USAFFE) sanhi din ng pagkatanggal ng bantayog ng mga santo na kalimitang ginagamit sa prusisyon tuwing mahal na araw.
Noong Enero 18, 1792, ang nayon ng Bukol ay naging isa ng bayan. Ang pangalan ng ating bayan ay isinunod sa pangalan ng ating santo na si Santa Rosa ng Lima, Peru. Ang mga Santo sa bukana ng simbahan ay inilagay noong taong 1989-1990 na may pangalang San Lucas, San Mateo, San Juan, Santa Maria, San Jose at Santa Rosa De Lima sa tuktok na pwesto ng mga rebulto.
Ang mga sari-saring pagbabago at pagsasaayos ng simbahan ay naganap sa tulong at pangunguna ng ilang mga pari na nagsilbi sa ating simbahan. Si Padre Andres Tejador na nagbigay inspirasyon sa isang bihasang pintor na si Mariano Perlas Sr. na nagpinta sa kisame ng simbahan na masasabing naging isang malaking atraksyon sa loob ng taong 1923 hanggang 1960, ang mga larawang kanyang ipininta ay maikukumpara sa kagandahan ng kisame ng simbahan ng Quiapo. Ilan sa mga larawang kanyang ipininta ay ang Assumption of Blessed Virgin, The Coronation, The Four Evangelist, Saint Roche. Sa panahon naman ng pagsisilbi ni Padre Augustin Reyes ang mga larawang ipininta sa kisame ng simbahan ay natanggal at isinaayos dahil ilan sa mga larawang ito ay nasira na ng mga paniki at dala na ng katandaan.
Ang dalawang larawan na nakapinta sa kisame malapit sa “koro” ay ang Patron Saints of Christian Music at Holy King David with the harp and Cecilia at the piano ang natitirang larawan sa kisame ng simbahan. Si Padre Buenaventura Ubarco naman ang nagpasimula ng PYCL o Parish Youth Council of the Laity sa tulong ni Sister Carmelita C. Decasa. Si Padre Jhon Paul Villanueva ang nagpalagay ng Adoration Chapel gamit ang baptistry, siya din ang nagpasimula ng ibat-ibang organisasyon ng simbahan.
Ang pari naman na si Padre Antonio Atienza ang nagpapintura at nagpaayos muli ng simbahan, pinaayos din niya ang bukana ng simbahan, libingan sa loob ng simbahan at nilagyan din ito ng mga imahe nila Santa Rosa de Lima, Saint Joseph, The Virgin Mary and the Four Evangelist. Si Padre RM. Castillo naman, sa suporta ng mga parokyano, ang nagpaganda ng simbahan at nagpagawa ng patio at ang labing-apat na istasyon ng krus, pagpapalawak ng altar at pagsasaayos ng tabing pasukan ng simbahan.
Si Santa Rosa de Lima, ang ating patron ay pinaniniwalaang mapaghimala. Sa panahon ng pananakop ng hapon, ilan sa mga lumikas sa malapit na nayon ang nagpatotoo na isang magandang babae na nakasuot ng itim at puting damit ang naghikayat sa kanila na pumunta ng Santa Rosa kung saan ang kanin at isda ay sagana at sila ay hindi magugutom, sa pagdating nila sa simbahan sinabi nila na ang babae na nagdala sa kanila ay walang iba kundi ang ating patron na si Santa Rosa.
Ang mga sundalong hapon sakay ng kanilang mga kabayo ay sumubok dalahin ang kanilang mga alagang kabayo sa loob ng simbahan, ngunit ang mga alagang kabayo ay gustong lumabas at nagwawala at hindi nila maipasok sa loob ng simbahan.
Ang Mga Lumang Bahay Sa Sta. Rosa Laguna
Maraming mga lumang bahay sa Sta. Rosa Laguna katulad ng bahay sa:
Malusak:
-Arambulo (Simulapa noong 1898)
• Ginawa pa 100 taon na ang nakalipas.
•pagmamay_ari ni Francisco Arambulo Sr. at Dominga Gomez
•Francisco Arambulo Sr. ay ang unang kinatawan ng Malolos Constitution
-Gonzales (Simula noong 1800)
•Binuo 100 taon ang nakalipas.
•Pagmamay-ari ni Basilio Gonzales na naging Mayor noong 1859
Kanluran:
-Zavalla (Lamapas 100 taon)




Kwartel de Sto Domingo
Ang Kwartel de Sto Domingo ay inihayag ng National Historical of the Philippines bilang isang National Historical marker noong July 21, 2005.


Sta. Rosa Plaza
Sa kasalukuyan, angbantayog (pylon) sa likod ng monumento ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal namakikita sa City Plaza ng Lungsodng Santa Rosa ay pinakamataas sa buong Pilipinas na may sukat na 18.3 metro mula sa lupa. Ito ay pangalawa sa buong mundo na tatlong pulgada lang ang niliit sa pinakamataas na bantayog ni Jose Rizal na makikita sa Beijing, China. Ang sukat ng bantayog sa Daet, Camarines Norte ay 15 talampakan, pinakauna naman sa Pilipinas. Sa Luneta Park Rizal Monument naman ay may sukatna 12.7 metro. Ito ay dagdag kaalaman para sa ika- 150 taong selebrasyon ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal sa ika-19 ngHunyo 2011.


City Museum
Isang pagdiriwang ang ginanap noong May 18-19,2011 sa Gusaling Meseong Lungsod ng Santa Rosa(Museo de Santa Rosa), sa kauna-unahangpagkakataon.
Ang International Museum Day Celebration ay pinangunahan nina Mayor Arlene B. Arcillas,Vice Mayor Arnel DCGomez at Konsehal Edward F. S. Tiongco (Chairmanng Committee onTourism and Cultural Affairs), kasama ang Sangguniang Panglungsod at ang mga bumubuo ng Museo de Santa Rosa.
Dumalo sa nasabing okasyon ng mga mahahalagang panauhin tulad nina Don Conrado A. Escudero (Founding PresidentSLAM), Ms. Marlyn Ruth Sanchez (DeputyExecutive Director ng National Commission for Culture and Arts), Mr. Ernie Garcia bilang kinatawan ni Sen. LitoLapid (Chairman ngSenate Committee on Tourism, Culture andArts), mga Kapitan ng Barangay, NGO at mga kinatawan ng ibat-ibang museo sa Pilipinas.
Kasabay din ng selebrasyong ito ang pagpapakita ng mahuhusay na talent ng mga Roseñan na kinabibilangan ng Tiongco Brothers, Pangkat Indayog at Junior Roseñan Rondalla.
Ayon sa mensahe ni Mayor Arlene, “ito ang dahilan kung bakit itinatag ang Museo deSanta Rosa, para sa ating mga Roseñan, maipagmalaki ang ating pinagmulan at pahalagahaan ang ating nakaraan, kumuha ng inspirasyon sa ating mga ninuno at ng mga sisidlan ng mga kagamitan na nagpapaalala sa atin ng ating nakaraan. Ito ang tahanan ng ating kultura kung saan tayong mga Roseñan ay simulang itayo ang Lungsod ng Santa Rosa bilang isang komunidad na magkakasama sa iisang layunin, upang higit na maging matatag ang atingkinabukasan”.
Isang Walking Tour din ang ginanap kung saan makikita ang mga makasaysayang Bahay tulad ng P. Vallejo, David Zavalla, F.Gomez, P. Lucero de Santa Rosa o Santa Rosa Square na tinatawag ding living museum dahil sa mga nakapaligid na makasaysayang monumento at mga gusali.
Ayon kayKonsehal Edward S. Tiongco,ang layuninng International Museum Day sa Lungsod ng Santa Rosa ay rehabilitasyon at pagpapaunlad ng Museo de Santa Rosa.
Dahil sa pakikipag-ugnayan ni Arch.Mario Zavalla (SLAM President) at ilang kawaning Museo de Santa Rosa ay nagging kinatawan ang Lungsod ng Santa Rosa ng InternationalMuseum Day.
Ang gusaling Santa Rosa Museum ay itinayo noong taong 1828, panahon ng kastila,bilang Gusaling Pampamahalaan sa ilalim ng panunungkulan ni Gobernadorcillo DonBernardo Zavalla, at taong 1954 ang gusali ay muling isinaayos. NoongEnero 17, 2006, nabuo ang Kapasiyahan Blg. 10-2006 sa mungkahi ni Konsehal Jose C. Cartaño, na pinangalawahan naman ni Konsehal ArturoM. Tiongco, na nagtatalaga sa Lumang Gusaling Pampamahalaan ng Lungsod ng Santa Rosa na maging “City of Santa Rosa Museum”. A ngMuseong Santa Rosa ay may layuning mabigyan ng maayos na tahanan ang mga mahalagang kagamitan, likhang sining na may koneksyon sa kultura at mga ma kasaysayang dokumentong Santa Rosa.
Kasamang layuning ito ang paunlarin ang syudad bilang pangunahing destinasyon para sa kultura, turismo, pangangalakal at industriya.


